Feng Shui Tips para sa ating mga tahanan sa taon ng Metal Ox

Maraming masalimuot na nangyari sa atin noong nakaraang taon. Marahil marami sa atin ang magsasabing, ito na ang worst o 'di naman kaya ay di malilimutang taon. 

Pagpasok palang ng 2020, sumabog ang Taal Volcano kung saan marami ang naapektuhan, ilang bayan ang kailangang lumikas at nawalan ng mga tirahan. Nasira rin ng kabuhayan ng ilan nating mga kababayan tulad ng turismo, komersiyo at pangingisda. Binalot rin ng makapal na abo ang mga kalapit nitong mga kabayanan.


Nagluksa ang mundo, lalo na ang mga NBA fans, sa maagang pagpanaw ng mag amang Kobe at Gigi Bryant sa plane crash.


Ang wild fire sa Australia kung saan nawalan ng tirahan ang maraming hayop sa kagubatan. Sa tindi ng apoy ay nagkulay pula ang kalangitan doon at umabot ang usok sa mga karatig na mga bansa.

Mga malalakas na bagyo na nagdala ng matinding baha sa maraming lugar sa buong bansa. Nagkaroon rin ng landslide sa paanan ng Mt. Mayon dahil sa walang habas na quarrying ng buhangin kung kaya nang dumating ang malalakas at sunud sunod na mga bagyo ay naiaanod ito at rumagasa sa mga kabayanan. Ang mga nasa sektor ng agrikultura ang lubhang naapektuhan sa mga kalamidad na ito.

Ang ASF o African Swine Fever naman ay nagpalugmok sa mga hog raisers kung saan maraming mga baboy ang kailangang patayin upang mapigilan ang paglaganap ng sakit. Mula ng kalagitnaan ng nakaraang taon, marami na sa kanila ang lumipat sa pag aalaga ng manok dahil sa walang kasiguraduhan kung kailan mawawala ang sakit.

At ang pinaka matindi sa lahat ay ang COVID 19 na nagpabago sa takbo ng buhay bawat isa. Hindi natin nagagawa ang mga nakagawian na pakikisalamuha sa ating kapwa. Lahat tayo ay naapektuhan, marami ang nawalan ng mahal sa buhay, trabaho, hindi makapasok sa paaralan at iba pang gawain na malaya nating nagagawa bago pa dumating ang sakit na ito.



Matapos ang mga kaganapan sa mundo noong nakaraang taon, nakuha mo pa bang sumigaw noong salubungin mo ang bagong taon nang "BRING IT ON, 2021!"? Marahil marami sa atin ang hindi.

Bilang pangontra sa mga naging ganap noong nakaraang taon, narito ang gabay ng mga Feng Shui experts upang maging mapayapa ang ating bagong taon:

1. Ang taong ito ay Metal Ox ayon sa Chinese Calendar, na kung saan kailangan nating magfocus sa east side ng ating mga tahanan. Gamit ang inyong compass sa Andriod phone, maari ninyong matukoy alin ang East side ng inyong mga tahanan o ito ay ang parte kung saan sumisikat ang araw. Panatilihin ang katahimikan at kalinisan sa parteng ito ng ating mga tahanan.

Narito ang mga bagay na maari mong ilagay sa East side ng iyong bahay:

    a. Picture ninyong mag asawa o imahe ng nagmamahalan,

    b. Fresh flowers,

    c. Colors blue, black, green at brown,

    d. Mga hugis rectangle, square at wavy na mga dekorasyon.


Iwasan naman ang paglalagay ng mga sumusunod na ito:

    a. Mga fire elements, colors at mga dekorasyon,

    b. Mga wood elements, colors at mga dekorasyon,

    c. Mga bilugan at tatsulok na hugis na mga dekorasyon

    d. Labis na ingay at maraming aktibidad.



Lagi lamang tatandaan na ang mga nabanggit ay pawang gabay lamang sa atin ng mga Feng Shui experts. Ang pagsunod nito ay walang katiyakan na magiging maganda ang ating pamumuhay. Kailangan natin itong sabayan ng mataimtim na dasal, matinding sipag at pagsusumikap. Ayon nga sa kasabihan, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa".




Comments