Karamihan ng mga tahanan sa Pilipinas ay cream at puti ang pintura ng labas at loob ng mga bahay. Ito na marahil ang pinaka safe na kulay dahil hindi ito masagwa o masakit sa mata bukod pa sa ito ay malinis tingnan. Pero kung minsan, ang pagiging plain nito ay nakakawala rin ng interes lalo na kung ito lamang ang kulay na makikita sa buong bahay kahit na gaano man kaganda ng design ng nito.
Kulay ang nagpapasaya sa mundo. Kung ang ating mundo ay black-and-white lang, 'di ba ito rin ay nakababagot. Ito ang nagsi set ng mood ng tao, isang halimbawa na lamang ang mga malalaking establishments, kinu consider nila ang tamang kulay sa pagpu promote ng kanilang mga produkto o service sa kung ano ang nais maramdaman ng kanilang mga target consumers kapag nakita nila ang kanilang mga produkto. Halimbawa, ang mga fastfood chains, karamihan sa kanila ay halos 50-80% ng interior color ay kulay pula. Hindi inaasahan na ang mga customers nito ay maglalagi ng mas mahabang oras dahil naka depende ang kita nila sa dami ng mga customers na pumapasok.
Marami sa atin ang walang ideya kung paano pumili ng tamang kulay para sa ating mga bahay. Kadalasan, pinipili natin ang ating paboritong kulay o 'di kaya ginagaya lamang natin ang nakikita natin sa ating kapitbahay na sa tingin natin ay appealing. Kung minsan naman, tumitingin tayo sa mga brochures o internet pero hindi nagiging maganda ang resulta kapag ina apply mo na.
Narito ang mga bagay na dapat nating tandaan kung pipili tayo ng kulay sa ating mga tahanan:
Pumili ng tatlo hanggang limang palette ng kulay
Pumili ng kulay na babagay o magku compliment sa bawat isa: isang light color o puti, isa o dalawang neutral color, at isa o dalawang kulay na susuporta sa mga kulay na pinili mo. Kung hindi ka naman confident sa pagpili ng iba't ibang kulay, maari kang pumili ng isang kulay at mula doon ay pumili ka ng iba't ibang hues. Halimbawa, gusto mo ay color blue, maari kang pumili sa iba't ibang tone ng color blue.
Seek professional help
Kung ayaw mo ng hassle at meron ka namang budget para sa pagpapa pintura ng iyong bahay, maari ka ring magtanong sa iyong Architect o Interior Designer. Marami silang maaring mai suggest sa iyo na sasakto sa kung ano ang hinahanap mo.

Comments
Post a Comment