Wallpaper vs Paint

 Ang paggamit ng wallpaper sa ating mga dingding ay hindi masyadong tinatangkilik ng mga Pilipino dahil sa mga sumusunod na rason: 


1. Sobrang mahal ng isang haba per foot nito, hindi budget friendly para sa mga nagtitipid pero gusto mapaganda rin ang kanilang mga bahay. Gusto mo ring bumili pero minsan limitado ang design na makukuha mo dahil hindi ito mabenta.

2. Hindi ito gawain para sa mga aburido at walang tiyaga. Maraming mga wallpaper designs na kailangang maging mabusisi sa pagtingin kung nagtutugma ang mga pattern, kumbaga hindi pwedeng dikit lang ng dikit

3. Magiging masagwa rin kung hindi ka marunong magdikit. Maraming hangin ang lolobo sa papel o di naman kaya ay hindi nakalapat.


4. Hindi rin ito didikit kung hindi maganda ang finishing ng iyong dingding


Mas makakatipid pa rin kung ang gagamiting meduim ay pintura. maari kang gumawa ng mga patterns na pwede mong ilapat para sa buong dingding mo. 



Nauuso na ngayon ang minimalist design kung saan hindi mo kailangang maging eksperto para magawa ito. Ili layout mo lang sa dingding ang nais mong design, lagyan ng tape at pwede ka na magpintura.





                                               


Maganda ang kinalabasan ng mga dingding na ito dahil nagbi blend ang mga kulay na pinili. Hindi rin madali ang paggawa katulad ng wallpaper pero pwede mo rin itong matago dahil wala itong definite na pattern na sinusundan. Ito ay dumidipende parin sa artisitry ng gumagawa.

Comments